Lathalain

Lucila Velasco: Ilaw ng tahanan, Guro ng mga guro

Marielle Valeriano

Tagalahad ng kaalaman sa umaga, masipag na ina sa gabi ganyan ang takbo ng buhay ni Lucila Velasco, nanay na nag-a-ala tatay at responsableng tagapangulo kagawaran ng sipnayan ng paaralang Casimiro.


Palaging hati ang kaniyang oras sa pamilya at sa kanyang hanapbuhay ngunit kahit na ganoon, nagagawa niyang balansehin ito at gampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang isang magulang at isang guro.

Liwanag ng Isang Ina

Kahit abala sa kanyang trabaho, nabibigayang pansin pa rin ni Lucila ang pangangailangan ng kanyang mga anak at kahit malayo man sa kanila ang kanyang asawa, wala silang naging pagkukulang sa mga ito.

“Kaya hindi nila maibe-blame na si mommy puro work nang work nang work kasi I see to it na kailangan may bonding moment kami, mayroon kaming quality time,” pahayag ni Lucila.

Samantala, ang kanya namang asawa’y nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang seaman na naging dahilan naman kung bakit minsan lang kung sila ay magusap.

“Mayroon kaming tinatawag na open communication, kapag halimbawang nagkakaroon siya ng signal, ayon, doon kami nag-u-usap,” aniya.

Hindi naman ito naging hadlang sa kanila sapagkat pareho nilang natutugunan ang kanilang gampanin at naggabayan din naman nila ang kanilang anak nang maayos at napaglalanan nila ito ng kanilang atensyon.

Kamay ng karunungan

Mahirap din naman ang trabaho ni Lucila dahil bilang isa sa mga unang guro sa paaralang Casimiro, siya ang naatasan na maging tagapanguna ng kanilang kagawaran.

“Ang naramdaman ko parang na-challenge sa pagiging department head, na-challenge siyempre sa pag-i-isip kung paano iha-handle yung teacher at kung paano ko siya matutulungan,” sambit niya.

Pinagtutuunan niya ng pansin ang kapwa guro niyang nangangailangan pa dagdag ng kaalaman upang umangat ito at hindi mapag-iwanan, gayundin naman, binibigyang pansin niya rin kung paano niya matutulungan ang mga estudyante na maging interesado sa asignaturang kaniyang hinahawakan.

Isa na sa mga paraang nagawa niya ay ang Math Camp na nagbigay ng kakaibang sigla sa mga magaaral upang sila’y matuto na hindi lang puro paghihirap ang kanilang maaalala kundi ang saya na dulot ng nasabing gawain.

Sa lahat ng ito, kuntento na siyang makitang masaya ang mga kasangkot sa proyektong ito at magkaroon sila eksayment hanggang sa susunod na pagkakataon.


Bakal na puso: Ang bantay na walang singtibay

Andrew Carolino


Sinasaway ni Kuya Ruel, 45, guwardiya ng CAYSMNHS ang mga estudyante na si Romel Cruz, 14 at Mark Andrew Villagracia, 14 ng grade 8 Jacinto na walang suot na ID sa pagpasok, Enero 7, 2019.
Kuha ni Andrea Cantos

Mahigit isang dekada na ang nakalipas nang magsimula sa pagtatrabaho ang guwardiyang si Rogelio Apolinar sa paaralang Casimiro na sa kabila ng iba’t ibang hamon sa buhay na kanyang kinakaharap ay nanatiling “proud” sa kanyang marangal na trabaho at patuloy na ginagampanan ang kanyang tungkulin ng maluwag sa kanyang kalooban.

Hindi kalakihan ang kinikita ni Ruel maging noong nagpasimula pa siya sa kanyang pagseserbisyo kaya naman ang pangangailangang pinansiyal ang isa sa mga naging problema niya.

Sa kabila noon, hindi siya nagpadala sa problemang ito at wala umano siyang planong mag-iba o lumipat ng ibang pagtatrabahuhan kung saan siya makakakuha ng mas mataas na sahod.

“Unang-una, dito na rin kasi nagsipag-aral ang mga anak ko tapos para bang kami ang founder dahil ginagawa pa lang ang Casimiro ay nandito na kami,” paliwanag niya.

Hindi lang sahod ang naging problema ni Ruel, nariyan din ang patuloy na paglawak ng paaralan dulot ng pagdami ng mga mag-aaral, kasama nitong dumadami ang bilang ng mga makukulit at pasaway na estudyante na kapag pinagsabihan ay magagalit pa, ayon sa kanya.

Isama pa na dahil sa kanyang serbisyo nawawalan na siya ng oras para sa kanyang pamilya at para sa kanyang sarili sapagkat tinuturing niya ito bilang isang tungkuling dapat gawin at obligasyon dapat pagtuunan ng atensyon.

“Ako ang OIC ng guard at ako OIC ng facility, wala na talaga akong oras , ni hindi nga ako makauwi, hindi ako makagala.

Kung may pupuntahan man ako, hindi ako makalis kasi nga prioritize ko na ang school,” aniya.

Dumating rin si Ruel sa pagkakataong nagrereklamo na ang kanyang anak sa kaniya dahil hindi na niya nabibigyan ng atensyon ang mga ito at puro trabaho na lang ang kanyang ginawa gayon pa man, lagi niyang pinaliliwanagan ang kanilang isipan upang sa kakaunting oras ng kanilang pinagsasamahan sa bawat araw ay naigugugol nila ng masaya.

Sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, nanatili siyang matiyaga at pursigido sa kanyang pagtatrabaho, nakatuon lamang ang kanyang isipan sa kasiyahang idinudulot sa kanya ng kanyang pagseserbisyo.

“Gaya nga ng sinabi ko sa mga nagdaang principal, ‘Mahal ko ang Casimiro’,” sambit niya habang abot sa tainga ang kanyang mga labi sa pagngiti .


Hagdan sa tagumpay: Maparaang tagapanguna, amang tagasuporta

Andrea Cantos

Nagsilbing tungtungan ng karamihan at nang dahil sa kanya’y naabot ang rurok ng kaligayahan, magaling na pinuno at padre de pamilyang masugit na sumusuporta sa kanyang mga anak at handang tumayong magulang kahit na hindi niya pa ito tunay na kadugo, iyan ang pagkakakilanlan ni Noel Mauricio sa mga estudyante at mga taong kanya nang nakasalamuha.

Nangungunang tagapanguna mayroon talagang mga taong pinanganak na may angking galing sa pangunguna, tulad ni Noel na minsan nang naging bahagi ng CAYS Board of Directors taong 2014 at ngayon nama’y kasapi ng Board of Directors ng Golden City Subdivision kung saan siya nakatira.

Pagbabago na nagdulot ng kaayusan ang hatid ni Noel nang maging kabahagi siya ng GPTA BOD sa Casimiro, naipaayos niya ang bakod sa basketball gym ng paaralan at nang ilakad niya sa governor ang request letter upang makapagpagawa ng panibagong building.

Kuha ni: Andrea Cantos

Nakapagbigay naman siya ng tulong sa mga magaaral nang siya mismo ang naghanap ng murang mabibilhan ng exhaust fan dahil sa sobrang kainitan ng mga silid sa DepEd Building.

Hindi pa roon nagtapos ang pagiging mabuting niyang tagapanguna sapagkat nang siya’y maging kasapi ng BOD ng Golden City Homeowner Association Inc., pinilit niyang inaos ang kaniang subdivision.

Ngayon, mayroon ng magandang gate ang Golden City at nakapag-ipon na rin sila ng pondo sa bangko upang kung kakailangan man nila’y mayroon silang mapagkukuhanan.

Haligi ng mga palaban sa pagsali ng kaniyang mga anak sa mga organisasyon, naroon din naman siya’t sumusuporta hindi lang sa kanyang anak kundi pati na rin sa buong grupo, gaya ng CAYS Drum and Lyre at Special Program for Journalism.

Tulong at suporta ang hatid ni Noel sa CAYS DLC sa kadahilanang bahagi ang anak niya sa nasabing organisayson at dahil doon kalahati ng mga instrumento ng grupo ay galing sa kanya.

Sa tulong ng ilang tao, nagwagi ang grupo sa iba’t ibang labanan hanggang sa matalo sila sa semi-final ng Dowee Donut Competition taong 2015, sa kabila nito, nakapag-uwi sila cash prize at sa parehong taon, nagtapos ang kanyang anak na miyembro ng nasabing grupo.

“2015, naka-graduate si Elline Mauricio kasi siya ang kasali sa CAYS DLC bilang lyrist so hindi na ako na-involve sa DLC kasi nga wala na akong anak na member,” paliwanag niya.

Nang makasali naman ang bunso niyang anak sa SPJ bilang TV Broadcaster, doon naman iginugol ni Noel ang kanyang suporta.

Kuha ni: Joy Avelino

Sa laban nitong nakalipas na taon, siya at ang kanyang asawa ang tumayong magulang ng mga lumaban, sila ang gumawa ng paraan upang magkaroon sila ng maayos na masasakyan papuntang Sta. Cruz Laguna at sila rin ang naghanda ng kakainin ng mga manunulat.

Marami na ang kaniyang naibigay na tulong sa mga mag-a-aral na ito kaya naman, tinignan siya ng mga ito bilang kanilang ama na matatakbuhan nila sa tuwing sila’y nangangailangan.

Para naman sa kanya, “Worth it naman kasi nga enjoy ako. Lalo na nang magchampion ang CAYS DLC noon at nagchampion din ang SPJ CAYS sa Division Level at nakarating sa RSPC ng dalawang beses, 2017 at 2018.”