Bilang ng Pilipinong may Schizophrenia, patuloy na dumadami
Gracielle Anne Jose

Sa kabila ng 28 milyon Pilipinong naitala ng Unibersidad ng Pilipinas na nakararanas nito, natutuwa si Joan Rifareal, saykayatrista sa Veterans Memorial Medical Center sa malawak na kaalaman ng mamamayan sa schizophrenia, malalang uri ng depresyon.
Epektong dulot ng Schizophrenia
Sa programang ‘Salamat Dok’, ipinaliwanag ni Rifareal na normal sa tao na makaranas ng stress ngunit masama itong sosobra.
Aniya, “Normal stress can push us to do good, to perform well for example, in exams or it can motivate you to do good in school. Kung walang stress, parang relax na relax naman.”
Dagdag pa nito, mayroon itong tatlong salik na nakakaapekto sa taong nakararanas ng schizophrenia.
“Tatlo ito. Biological, psychological at social. Sa biological, ito yung chemical imbalance sa ating utak kaya nawawala ito sa sarili, sunod naman ay ang psychological. Ito yung kawalan ng interes na gumawa ng mga gawain at panghuli, sa social, ito yung madalas nakararanas ng financial problems at unemployment dahil hirap ito at ayaw makihalubilo sa tao,” giit ni Rifareal.
Positibong Pananaw
Sa kabilang banda, positibong inihayag ni Rifareal na kahit ito’y nakaaalarma sa dami, may maganda parin itong nadulot sa tao at sa bansa.
“Yes, it’s alarming but it’s good now na malawak at tumataas na rin ang awareness nating mga Pilipino about sa issue. Before, it’s underdiagnosed or under recognized pero now it’s good kasi tumataas na yung awareness natin,” wika ni Rifareal.
Mental Health Law
Dahil sa dumadaming bilang ng Pilipinong nilalabanan ito, marami na ring humihiling na mapirmahan at ipasa na ang Mental Health Law sa bansa.
Nitong taong 2017, ipinasa na ng Senado ang Senate Bill No. 1354 (Mental Health Act of 2017) na magbibigay sa mamamayan ng murang serbisyo para sa mga Pilipinong may mental health problems.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan, hinihintay parin itong mapirmahan upang mabawasan na ang bilang ng mga Pilipinong nagdudusa sa Schizophrenia.
Bihasa sa salita: Bilingualismong NAG-BIBIG-AY Benepisyo
Marielle Valeriano

Dahil sa daan- daang taong pananakop ng iba’t- ibang bansa sa Pilipinas, hindi nakawala ang mga Pilipino sa impluwensiya ng mga dayuhan na hanggang ngayon ay patuloy paring buhay sa bansa, at isa sa mga ito ay ang wika.
Gayunpaman, nagsilbi itong biyaya sa mga Pilipino sapagkat sa pamamagitan ng iba’t- ibang wikang namana at ginagamit ngayon, mapapakinabangan ito hindi lang sa pakikipag- usap sa bawat araw, pati narin sa kalusugan.
Good for the Brain
Kung isa ka sa Pilipinong mahilig makipag- usap gamit ang dalawang wikang alam at nakasanayan na itong gamitin bilang pamamaraan ng komunikasyon, isa ka sa tinatawag na bilingual.
Noon, hindi pa talaga laganap ang abilidad na ito at kinikilala ito bilang isang sakit na nagpapabagal sa pag- iisip ng bata at humaadlang sa pananalita nito at pakikipag- uganyan sa iba.
Ngunit sa kasalukuyang panahon, isa na ito sa nagpapahaba ng buhay ng isang tao sapagkat nakakapag- antala ito ng sakit na Alzheimer’s at Dementia hanggang apat na taon.
Ayon sa talaan ng mga mananaliksik, 65 sa 134 na taong posibleng may Alzheimer’s disease ang inabot ng apat na taon bago nagkaroon nito; ang 65 pasyenteng iyon ay napag alaman na isang bilingual at multilingual.
Patunay ito na sa pagiging bilingual, mas lumalawak ang talasalitaan ng isang tao na tumutulong sa pag- iisip at pag- uunawa nito na makaiiwas sa sakit na pagkalimot.
Bilingualism
Sa 63.7 porsyentong Pilipinong nakakapagsalita ng Ingles, naging bahagi na ng ating buhay ang pakikipag- usap gamit ang dalawang wika na lalong nagpapalawak ng bokabularyo ng tao.
Kaugnay nito, malaki ang naitutulong ng bilingguwalismo sa tao lalo na sa bata kung saan nahahasa na ito sa pamamagitan ng mga magulang nito na maaaring makaimpluwensiya sa batang magsalita gamit ang dalawang wika; ang ganitong sitwasyon ay tinatawag na compound bilingualism.
Isa pang sitwasyon ay kinikilala bilang coordinate bilingualism kung saan ang isang tao ay maaaring ginagamit ang isang wika sa trabaho o paaralan habang ang isa naman ay sa pakikipag- usap sa pamilya o kaibigan.
Dagdag pa, maaaring ikaw ay isang subordinate bilingual na napapalit ang pangunahing wika sa isa pa sa araw- araw na pamumuhay. Hindi lang nakakaapekto ito sa iyong nakasanayang pamumuhay, may ilang pakinabang pa ang pagiging bilingual.
Isa na diyan ang madaling makakuha ng trabaho, madaling paglalakbay at kakayahang manood ng banyagang palabas o pelikula nang walang ‘subtitle’ na binabasa.
Bilang paglalahat, isa lamang itong patunay na hindi lang pagdurusa’t pagmamalupit ang naiwan ng mga dayuhan sa Pilipino, dahil pagpapalang maituturing ang pagiging isang bilingual na nagdudulot ng magandang kalusugan at matalas na pag- iisip at pakikipag- usap na maaaring maipasa at mapaunlad pa sa susunod na henerasyon.
Kusang Kumilos
BANYUHAY: Gracielle Anne Jose
Sa kabila ng paulit- ulit na pagpapaayos at pagpapalinis na ginagawa ng pamahalaaan sa komunidad para sa mga mamamayan, may pasaway paring mga residente na pilit nagtatapon ng basura at sinisira ang pinagpagurang proyekto ng gobyerno.
Nakakadismaya na mismong mga residente pa ang malakas magreklamo gayong sila rin ang nagpapasimula ng ganitong mga suliranin, nakadepende rin ang kalagayan ng kanilang kapaligiran sa disiplina nilang mga naninirahan doon.
Gayunpaman, hindi sa mga residente ang sisi kung hindi sa pamahalaan na nagpapalinis ng mga baradong kanal na kinakalatan at isinasawalang bahala ng mga mamamayan na magrereklamo pa sa mabahong amoy nito.
Nakakalungkot isiping sa pamahalaan umaasa kapag may kailangan, ngunit kapag nagkaproblema nama’y sila rin ang nasisisi kahit na sandamakmak na proyekto at aktibidad ang isinasagawa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Dahil sa suliraning ito, hindi lang ang lugar nila ang nasa panganib, pati narin ang kalusugan ng mga residente sa barangay. Isa na ang leptospirosis sa sakit na maaaring makuha ng mamamayan dahil sa dumi ng tubig baha nito.
Kung iisipin, hindi lang basta- basta ang problemang ito dahil buhay nila mismo ang nakasalalay at kalusugan nila ang maaapektuhan bukod sa kanilang tirahan.
Isa rin ang dengue na laganap sa ating bansa at cholera na dulot ng pag- inom ng tubig na madumi o may bakterya na ang tawag ay cholerae na isa sa mga bakteryang matatagpuan sa tubig baha.
Mas makabubuti kung noong una palang, nagtulungan na ang taong bayan sapagkat nagiging delikado na sa kanila ang sariling kapabayaan na puwedeng makadamay pa ng ibang karatig barangay.
Sa kabilang banda, mayroon ding pagkakamali ang pamahalaan dahil sa mabagal na pagpapaayos nito at sa kakulangan sa pondong ipinapagawa sa mga kanal at kailugan ng barangay.
Kung tutuusin, parehong may mali at parehong may responsibilidad sa suliranin ng kanilang barangay, hindi agad- agad natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga tao nito na bumoto at pinagkatiwalaan ito sa posisyon.
Kaugnay nito, kakaunti rin ang mga streetsweepers o tagalinis ng kapaligiran at mas lalo pang pinalalala ng mga residente sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura kung saan- saan.
Isa pa, kahit na kakaunti ang streetsweepers, lilinis at lilinis ito kung nagkakaisa ang mamamayan sa pagpapaganda at pagaayos ng kanilang lugar at hindi nagsisisihan kung kailan huli na ang lahat.
Dagdag pa, ang pagtatapon pa ng basura sa kanya- kanyang kabahayan ay nagkukulang sa ‘segregation’. Basta- basta lamang tinatapon sa plastic na lalagyan ang mga basura na ikinadidismaya ng mga kolektor. Kung saan- saan din inilalagay ang basura sa tapat ng bahay na parang binabalewala ang “tapat ko, linis ko” na panukala.
Sa madaling salita, kulang na kulang sa disiplina ang mamamayan ng Barangay San Juan at pagkukusang kumilos sa mismong kapaligiran na nagdudulot ng suliranin sa lugar.
Upang lahatin, tanging disiplina lamang ng mamamayan ang kailangan at ang mabilis na aksyon ng pamahalaan dahil ang simpleng basura ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa pamayanang ating ginagalawan.